“[Insert Title Here_ ]”
12:00 A.M, Monday
“Kung bibigyan ka
nang pagkakataon na sabihin sa pinaka makapangyarihang tao ang lahat ng gusto
mong sabihin, ano
ang mga iyon?”
Ano nga
ba? Ano nga ba ang maari kong sabihin sa pinaka makapangyarihang tao na kilala
ko? Eh teka muna, sino nga pala ang pinaka makapangyarihan na kilala ko?
Hmm. Si Tatay na lang kaya. Tutal siya ang
nagbibigay sa akin ng allowance ko sa
araw-araw at siya rin ang commander-in-chief sa loob ng bahay.
Kaso, si Tatay
under kay Nanay. Kaya si Nanay ang siguro ang makapangyarihang kilala ko.
Kaya niyang pagsabay-sabayin lahat ng gawaing bahay. Kaya niyang magluto habang
naglalaba,kaya niya ring patahanin si bunso habang nag paplantsa.
Pero minsan
‘di siya sinusunod ni Ate. May
sariling mundo yun eh. Lahat kaya niyang gawin. Pwede siyang umuwi kahit anung
oras niya gusto o kaya’y kaya niyang magdala ng mga kaibigan sa bahay naming at
mag lagi doon ng halos isang araw. Pero minsan lang naman ‘yun, kaya hindi
pwede na maging pinaka makapangyarihan si ate.
5:30 A.M
“ Hoy bata ka! Gumising ka na! Nakatulog ka na nga
diyan sa mesa blanko pa rin ‘yang papel mo.”
Nagising
ako sa malakas na bunganga ni Nanay. Ang lakas ng boses, di ko alam kung saan
ang pinanggagalingan ‘nun. Napainat ako, di ko namalayan na nakatulog na ako sa
kakaisip kung sino nga ba ang makapangyarihang tao. Napatingin ako sa Bond
paper na nasa harap ko. Yuck! Nabasa na ‘to ng laway ko. Kawawang papel, ‘di na
nga nagamit nalawayan ko pa. Tsk tsk.
Kinuha ko
na ang tuwalya ko at nagsimula nang maligo. GRRR..GRRR
napakalamig ng tubig. Minadali ko na lang ang pagligo dahil malamang at sa
malamang male-late na ako.
6:15 A.M
Nandito na
ako sa paradahan ng dyip. Marami nang estudyante ang nag-aabang ng byaheng
pa-Indang. Hay. Marami na namang kaagaw, kaunting minute na lang magsisimula na
ang klase ko. No choice, kailangan ko na talagang sumabit sa estribo ng dyip.
Habang
nasa byahe ako (nakasabit po ako sa may estribo ng jeep), napaisip ako kung
bakit kakaunti ang bilang nang dyip sa bilang nang estudyante. Mas marami pang
pa-Trece kaysa pa-Indang. Napahinto ang dyip dahil traffic, napagmasdan ko
tuloy yung magarang kotse na nasa harap namin. Isang Toyota Avanza. Maganda,
makinis at parang bagong bili. Pero napansin ko lang, isang matandang lalake
lang ang laman nito. Naka- barong tagalog siya, ah baka taga munisipyo. Bigla
tuloy sumagi muli sa aking isipan ang tungkol sa bilang nang dyip. Mabuti pa
ang ibang kongresista hindi na nila
iisipin pa kung may masasakyan sila. Eh may sarili na kasi silang kotse. May
mga escort pa! Kung sana may isang kongresista na maglalaan ng pondo para
gumawa ng mga pampasaherong dyip, siguro wala nang agawan na mangyayari. At
wala na ring estudyanteng sasabit sa dyip.
7:35 A.M
Sa wakas,
nakarating na rin ako sa kolehiyong pinapasukan ko. At tama ang naging hinala
ko, late ako sa klase namin. Terror pa naman si Ma’am English. Nakita niya
akong papasok aba’y tinawag ba naman ang pangalan ko at tinanong ako tungkol sa
coherence in paragraph and other sh*ts.
Nakatunganga lang tuloy ako sa kanya, ang masakit pa dun pinaagtawanan pa ako
ng mga kaklase ko. Pinalabas ako ng classroom ng ‘di oras. Hay.
Dahil nasa
labas na ko, lulubus-lubusin ko na rin. Inikot ko ang eskwelahan kahit na
nakasaad sa aming Student Handbook ang mga salitang “No loitering during class
hours.” Pake ko ba! Pinalabas ako ng magaling kong prof. Hanggang sa mapadaan
ako sa isang grupo ng mga estudyante, akala ko may rally dahil ang ingay at
kumpulan sila sa ilalim ng isang puno. Nagkaklase pala sila. Aba! Maganda ang
subject nila, Logic. Umupo ako sa tabi nang isang estudyante doon at nakinig sa
sinasabi ng instructor nila. Napaka aktibo ng mga estudyanteng ‘to, ano kayang course
nila?
“ Miss pwede magtanong? Anong course niyo?” tanong ko sa babaeng natabihan
ko.
“ Ah. Mass Com kami. Ewan ko ba dapat nandun kami sa
sarili naming college. Pero tignan mo ngayon, kami ang nawalan! Ang masaklap
pa, talagang ditto kami sa ilalalim ng puno pwinesto! Pasensya na kung masyado
akong ma-drama ha, antagal na kasing ganito.”
Napaisip
tuloy ako sa sinabi niya. Sila na dapat na gumagamit ng para ay sa kanila, ang
siya pang nawawalan. Mabuti pa sa MalacaƱang, lahat ng silid naka aircon.
Siguro yung mga taong nagta-trabaho dun ang pinaka makapangyarihan sa lahat.
Mayroon kasi silang pagkakataon na makagamit ng mga magagarang bagay, gaya na
lamang ng mga mamahaling kotse, na hindi na nila kailangan pang paghirapan.
12:00 noon
Puno na
naman ng mga maiingay na estudyante ang canteen. Hindi ko alam kung anu-ano ang
mga pinaguusapan nila, pero makikita mo na bakas sa kanilang mga mukha ang saya
habang ang nagkukwento.
“Pare! Mukhang gutom ka ha! Simot na simot ‘yang
plato mo.” sabi
ni Rick, ang patapon kong bestfriend.
Nakita
kong halos ‘di nabawasan ang kanin niya. Iisang tasa na nga lang eh ‘di pa niya
makuhang lunukin. Napaisip na naman ako. Kung pagkain ang siyang bumubuhay sa
mga tao, kung ganun ang mga taong nagtatanim o nag aalaga ng mga makakain namin
ay maaring makapangyarihan. Maaring makapangyarihan ang mga magsasaka! Sila ang siyang nagtatanim
at nag-gagapas ng mga palay, na siyang nagiging bigas, at ‘di kalauna’y
nagiging kanin. Kung sakaling mapagdesisyunan nilang mga magsasaka na huwag
magtanim ng palay, maaring ngayon patay na tayong lahat. Tama! Makapangyarihan
ang mga magsasaka. Maaring-
“ Friend na-try mo na yung Chenes Beauty Soap? Ang
ganda pramis! Epektib na pampapaputi!”
“ Uy! ‘Di nga. Baka mamaya parehas lang yan ng iba
ha.”
“ Ano ka ba girl! Try mo na. ito rin kaya ang gamit
ko. Tignan mo, ang flawless ko ‘di ba?”
Parang
commercial lang ang narinig ko ha. Pero bakit nga ba maraming Pilipino ang ayaw
umitim? Natural na kulay naman natin ang pagiging kayumanggi ha? Kung ayaw pala
nilang maging “maitim” sana naging “foreigner” na lang sila.
Grabe
naman kasi makapanghikayat ang mga manufacturers
. kulang na lang gawin nilang slogan ang : “ Pangit ang maitim. Kaya dapat magpaputi ka.” Kaya marami silang
nahihikayat na mga pinoy eh. Pati mga Pilipino nilang model, halos kumislap na
sa sobrang kaputian. Buti pa nung unang panahon, wala kang makikitang mga
dalagitang pinoproblema ang kulay nila. Mas pinoproblema nila kung paano sila
makakaligtas sa digmaan at kung ano ang kakainin nila sa araw-araw. Hay.
Napunta na naman ako sa pagkain na ‘yan.
2:30 P.M
Pasakay na
ako ngayon sa bus. Hindi ko alam kung anong sumapi sa instructor naming at
hindi niya kami nag-meet ngayon. Nakakadalawang klase pa lang kami, midterms na
agad next week. Ano ang sa tingin niyang maisasagot ko? Ng mga ka-klase ko?
Hay.
Screech..beep..beep..
Bigla na
lang napahinto ang bus, nagulat kami nang may pumasok na mga batang pulubi.
Mabilisan ang galawan nila. Nagulat na lamang ako ng biglang may naipatong nang
maliit na sulat sa aking hita.
Magandang
araw sa inyo,
Kami po ay
galing Zamboanga. Naapektuhan kami ng nagkaroon ng barilan sa amin bayan. Hindi
kami makapag hanapbuhay dahil sinira ang aming mga Bangka. Nanghihingi kami ng
kaunting tulong. Kahit magkano lang po ang makayanan niyo.
Php
10.00
Php
50.00
Php 20.00
Others
Ayos
na sana eh. Maawa na sana ako eh kaso, mali-mali ang grammar. Ang hindi pa
kapani-paniwala ay ang pagkakaroon nila ng printed
letters at take note, naka pag pa-photocopy pa sila. Pero dahil nga mga
bata lang sila, hindi ko pa rin mapigilan ang maawa. Naisip ko kung paano sila
nabubuhay sa kakarampot na limos ng mga tao na hihingan nila. Bakit kaya hindi
gumawa ang Bangko Sentral ng Pilipinas
ng maraming pera, ipamigay nila sa mga taong sobrang lugmok na sa kahirapan.
Hindi ko naman hinihiling na gumawa sila ng marami, kung baga magbigay lang
sila para naman magkaroon sila ng pagkakataon na makatikim ng masasarap na
pagkain.
Nilagyan
ko ng tsek ang kahon ng ‘others’ at naglagay ng sampung piso sa sobre. Sakto na
lang kasing singkwenta ang pera ko, sampung piso dapat para sa ipon ko pero mas
mahalaga ang makatulong kang makakain ang mga pulubing ‘to.
5:00 P.M
“ Oh yung mga bababa diyan oh! Baba na!”
Hay. Salamat at nakauwi rin. Teka,
nasan na yung wallet ko? *kapa-kapa* Ah! Nasa bag lang pala. Kukuha n asana ako
ng beinte pesos para sa pamasahe ko ng mahagip ng mata ko ang isa sa mga I.D
ko. Titig na titig ako sa I.D na’yun, dahil alam ko na sa wakas kung sino ang
pinaka makapangyarihan na tao sa mundo. Ang pagtitig sa aking Voter’s I.D ang
siyang nagpatunay na ang mamamayan ang siyang makapangyarihan sa lahat. Oo nga
‘no! bakit hindi man lang sumagi sa isipan ko.
6:00 P.M
Pagtapak na pagtapak ko pa lamang sa
aming bahay ay agad akong kumuha ng bagong bond paper, kung maalala niyo
nalawayan ko ang unang papel na ginamit ko. Agad kong isinulat ang tanong:
“Kung bibigyan ka
nang pagkakataon na sabihin sa pinaka makapangyarihang tao ang lahat ng gusto
mong sabihin, ano
ang mga iyon?”
Lumapad ang ngiti sa aking labi.
Agad ko namang isinulat ang mga katagang:
Mamamayan ang siyang pinaka makapangyarihang
tao sa mundo. Sila ang may kapangyarihang pasunurin ang kani-kanilang mga
pamilya ( tatay). Kaya rin nilang alagaan ito ( nanay) at minsan sila rin ang
karamay mo ( ate/kuya). Kaya nilang mag desisiyon ng para sa sarili nila
(kongresista) at kaya rin nilang gumawa ng batas na susuporta ditto (
MalacaƱang). Kaya nilang pakainin ang kapwa nila (magsasaka), may kapangyarihan
din silang manghikayat ( manufacturers). Sila rin ang gumagawa ng sarili nilang
pera na siyang nagagamit para sila’y makapag palitan ng produkto. At higit sa
lahat, sila ang may kakayanang mag halal ng isang tao na siyang tutulong sa
kanila na maituwid ang bansang kanilang ginagalawan.
Natuwa ako sa naisulat ko. Kaunti na
lang at matatapos ko na ang ibinigay na homework ni ma’am.
“Kung bibigyan ka
nang pagkakataon na sabihin sa pinaka makapangyarihang tao ang lahat ng gusto
mong sabihin, ano
ang mga iyon?”
Ang tanging problema ko na lang
ngayon, paano ko sasabihin sa mamamayan ang mga hinaing ko, kung ang mamamayan
ay maaring katulad ko.
*Ang kwentong ito ay nanalo ng ikalawang pwesto sa ika-4th Gawad Galisanao Literature Contest na ginanap sa Cavite State University.